night sky, marry me.
kagabi mukha akong gago. tahimik na ewan na gago. unusually tahimik. di alam ni mico kung bakit, maybe di alam ni leon kung baket. definitely di ko alam kung baket. well sa simula di ko alam. bigla na nga lang ata akong tumahimik eh. weird. :|
ahhh. basta after nung minibonding thingy, deretso na ko sa lawn. upo. tingala.
siguro para sa ibang tao, may mas marami pang pwedeng gawin kaysa umupo dun ng ilang oras. mas okay nga naman sigurong magbilliards, poker, o magmovie. pero umupo na ko dun eh. di ko naman niregret magsayang ng oras dun. mas astig pa nga eh.
sa mga ganong oras ako napapaisip eh. all sorts of things. i mean pano ka nga naman ba makakapagisip ng mga bagaybagay kung nabibilliards ka o nagpopoker o nanonood ng movie?
kung ano ano tuloy naisip ko kagabi.
di marunong tumigil mga tao. galaw sila ng galaw, parating may ginagawa o may kausap. hindi marunong umupo o humiga. at umupo o humiga lang. tumingala. mangarap. maghanap ng mga maliliit na bagay. mga astig na maliliit na bagay. stars, shooting stars o mga joketime na stars(sabi ni edge mga international space satellite thingy ung iba dun). magsayang lang talaga ng oras na nakatingin sa taas. mukhang madaling gawin kaso di naman talaga nagagawa. mas pipiliin pa nating magtv o magparty. mas productive nga naman diba? makakausap mo ba naman kasi ung mga milyungmilyong mga stars dun? hindi. magparty ka na lang. lalabas ba mukha nung crush mong celeb sa sky? hindi. kaya magtv ka na lang.
marami pa talagang umikot sa ulo ko kagabi eh(3hrs ka ba namang umupo at magpakasakit ng pwet dun ng di nagsasalita mashado, talagang may iikot sa utak mo noh). tulad ng... parang cream and cookies ung sky(hindi cookies and cream. hulaan mo na lang kung baket) at... ewan ewan. stufffffff.
*****mas organized at maganda sana tong entry na to kung di ako inaantok at pagod at gutom. lahat lahat na. di pa naman din ako nagsulat for a month or so. crap. and yes tagaytay was nice. *****
can't you see You've already captured me. |